To YOU,
Di ko alam kung ano talaga ang nanjan sa loob mo
anong tumatakbo sa isip mo. Alam ko naman na noon pa di ka naman talaga vocal
kung ano talaga mga saloobin mo pero mas lalong Di ako manghuhula para malaman
kung anong nararamdaman mo at anong plano mo.
Ayoko paniwalain yung sarili ko na gusto mo pa rin
ako makasama. Ayoko bigyan ng meaning
yung pinapakita mo sakin everytime na uuwi ka na parang ayaw mo ko
mawala sa tabi mo di ko alam ano sayo yun,ano intension mo bakit mo ginagawa
sakin yun.tutoo ba yun o me motibo ka. ayoko na paasahin pa yung sarili ko na
ok tayo pero the moment na umalis ka na
ng bahay di ko na alam kelan ka na naman uuwi kung iniisip mo ba kami ng mga
anak mo,sinong kasama mo,anong ginagawa mo at kung anu ano pa.
For the past months ilang gabi rin akong di agad
makatulog, naiiyak pag naiisip ko yung mga nagyari sa tin, may mga pagkakataong
naalala ko kung ganu lang kasimple ang buhay natin noon pero ok tayo masaya at
buo. Panatag yung loob ko mula pa man na di ka mambabae na gagawin mo lahat ng
bisyo ng isang lalake pero ang mambabae napakaimposible nun para sakin na
magagawa mo yun but nothing is impossible sabi nga nila because you did it. .. I had my faults as much as you had yours. I don’t know, though, if I can
say that yours weigh more than mine. I also know for sure that at this point,
it doesn’t matter anymore. What matters more to me are the things that I
learned because of everything that happened.
For me, 2 months is enough for being silent and
waiting in vain. Paghihintay na marealize mo ang lahat, manindigan ka sa kung
anong nararapat at marealize mo lahat ng maling nangyari sa pagsasama natin na
pwede pang maitama sana kung nakapagdesisyon ka lang at di naging makasarili.
Hindi na natin
kelangan pa magkaron ng resulta kung sinong nanalo or kung sinong
natalo. Sinong mas magiging masaya sinong magiging luhaan. Aminin lang natin sa
mga sarili natin na once in our life naging tutoo naman yung pagmamahalan yung
mga pinagsaluhan natin at pinagsamahan natin pero ngayon hirap na tayong maibalik
yun.
Mahal kita,mahal na mahal pero di ko na alam kung
kelan pa magkakalinaw isip mo, kelan ka magkakaron ng lakas ng loob jan sa puso
mo, na magkaron ng paninindigan na ipaglaban yung vow ng marriage natin, kung
ano ba talaga ang gusto mo mangyari.kelan ka magiging handing sabihin sa kin
lahat, aminin sakin kahit ganu pa yan kasakit. Naniniwala ako na lahat tayo may
pagkakataon, choice na magkamali, itama ang mali at bumangon.
Naisip ko pareho tayo ng nararamdaman, pero pareho
din natin di maisigaw that our relationship is not working, and it hasn’t
worked for a long time. In fact, rather than strengthening our lives, it just
weighs us down and makes our lives more difficult. How many times have we
decided to kiss and make up only to find ourselves battling the same issues
once again? This brings
me to one of the hardest decisions of my life—I’ve got to move on.
Siguro for me alam ko na nagawa ko na ang lahat ng
pwede ko gawin just to save our marriage na kahit pa sa pinakamaliit na chances
kinapitan ko knowing na everything will be alright in the end. Na pagsubok lang
to sa pagsasama natin, na malalagpasan natin to dahil trial lang to pero di
pala talaga ganun kadali ang lahat.Dahil unang una pano ko ipaglalaban ang
taong di naman din gusto ako ipaglaban sa simula pa lang. Pinapalaya na kita sa
commitment mo sakin, kung talagang di mo na ko kayang pakisamahan, kung di ka na
talaga masaya, kung hirap ka talaga na pakibagayan ako at kung talagang di mo
na ko magawang mahalin ng ako lang. I’m setting you free. Kung iniisip mo na
kaya hindi mo masabi sakin lahat dahil masasaktan ako nagkakamali ka.wala na
atang mas sasakit pa sa mga sinabi mo sakin ang di ko na kaya pa tanggapin.
Halos lahat na ata ng salita na pwede ko ikamatay nasabi mo na sakin but still
naghintay ako,umasa pero hindi pala talaga ganun. Huwag mo lang sana maramdaman kahit na kalahati lang ng sakit na pinaramdam mo sakin dahil baka mismong ikaw di mo kayanin yung pain na niloko ka, nagtiwala ka, umasa ka na pwede pa ayusin pero ginago ka lang pala all the while.
Hayaan mo kong buuin ko naman yung sarili ko. Yung
pagkatao ko na nadurog mo ng araw na hinubad mo yung wedding ring natin at
sinabi mo na di mo na kaya na maging asawa ko at alukin ako ng annulment .
Hayaan mo ko marealize lahat ng pagkakamali ko at maitama ko hanggang sa
makabangon ulit ako.kung merong taong dapat magmove on ako yun at di ikaw dahil
ikaw ang naghanap ng iba.
Malaya ka bisitahin yung mga bata pero sa mga oras
na alam mong wala ako sa bahay. Bigyan mo ko ng pagkakataon makapagsimula ulit.
Ayokong umabot pa tayo sa korte kaya gawin mo kung
anong nararapat na alam mong obligasyon mo sa mga bata, magkaron ka ng kusa at
maging responsible ka lang na ama para sa mga anak mo at magiging maayos tayo.
Responsable meaning hindi ka lang susuporta financially. Bigyan mo sila ng
oras,atensyon,respeto at pagmamahal. Hinihiling ko to sayo hindi para sakin
kundi para sa mga bata at para na din sayo para di masira yung relasyon mo
bilang ama sa mga anak natin.
Lastly, salamat sa lahat. Not everything was bad. I want to think that all the bad
thrown together will never measure to the half of the good we shared. I really do hope that someday we could be
friends. I can’t do it now but maybe someday.
Finally, I am going to do what you had done
even before we separated, I am moving on. Goodbye.
Me
Me